For collaborations and partnerships, contact thisislapsecity@gmail.com
Reference:
web.facebook.com/DogsPHI/posts/on-june-15-exactly-…
www.rappler.com/life-and-style/arts-culture/propos…
World History.org
1800s Anti Rabies Campaign
Hindi lang mga Pilipino ang nagbuwis ng buhay noong panahon ng Spanish colonization—pati mga stray at alagang aso ay nadamay rin sa trahedyang iyon.
Marami sa kanila ang nawala sa ngalan ng public order.
Pero bakit nga ba pati ang ating mga furry friends ay naapektuhan ng ganitong malungkot na bahagi ng kasaysayan?
Noong 1800s, wala pang rabies vaccine.
Kaya’t nagpatupad ang Spanish authorities ng isang Anti-Rabies campaign.
Isa sa kanilang mga hakbang ay ang pagsupil sa mga stray dogs at ang pagpapatupad ng “one-dog-per-household” policy.
Gumamit sila ng isang crystalline substance (na).
Binansagan ito na mataperros (isang nakalalasong sangkap na ginagamit noon laban sa mga aso).
Ayon sa pag-aaral ng historian na si Nicolo Paolo Ludovice,
hinaluan ng sangkap na ito ang karne at ikinalat sa mga lansangan sa gabi bilang bahagi ng kampanya.
Isa pang historian, si Ros Costelo Avila, ay naglarawan dito bilang bolas venenosas o “poison-laced bait.”
Dahil dito, kinailangan ang isang malawak na lugar para sa paglilibingan ng mga asong namatay,
na tinatayang matatagpuan sa kasalukuyang lokasyon ng Quirino Grandstand.
Fast forward sa 2024, nagtutulungan sina Rina Ortiz,
historian Ian Alfonso,
muralist Derrick Macutay,
at sculptor Jester Oani sa pagpaplano ng isang monumento sa Luneta.
Ipinapakita ng kanilang proposal ang isang momshie Aspin kasama ang kanyang mga tuta, bilang pag-alala sa mga naapektuhan ng 19th-century anti-rabies campaign.
Harinawa’y magsilbing paalala ang monumento sa madilim na kampanyang ito noong 1800s,
at magtaas ng kamalayan na sa pagpigil ng rabies nang hindi na kailangang magbuwis ng buhay—tao man o hayop.
Kasalukuyang tinatalakay ng National Parks Development Committee
at ng National Historical Commission of the Philippines ang posibilidad na mailagay ang dog memorial sa Luneta—isang hakbang upang kilalanin ang mahalagang papel ng mga aso sa ating kasaysayan.
Credits:
Pixabay
OpenAI
National Archives
Pexels
SnazzyMaps
Wikimedia
Audio:
March of the Mind Kevin MacLeod (incompetech.com)
Licensed under Creative Commons: By Attribution 3.0 License
creativecommons.org/licenses/by/3.0/
Crew:
Lenin- Script/VO/QA
Den- Editor
Kurei - QA