Hello mga kababayan mga ka-Eagles welcome to my Channel,
Ang magbibigay po sa inyo ng update tungkol sa ating bansa..
Mabuhay ang Pilipinas đ”đ
Aklanon-Antiqueño vlogger
Tubong Panay Island, Western Visayas
Subscribe my Youtube Channel and click the all notification bell para lagi po kayong updated sa aking mga LiveStreaming, uploaded videos and shortvideos marami pong salamat
Vlogger since January 17, 2022
for contact pls message po sa aking Facebook Page "Aguilar TV"
Aguilar TV
âMASAMANG DAMO, MATAGAL MAM*TAY⊠BBMâ
Nagdulot ng tawanan at reaksyon mula sa mga tagasuporta si Vice President Sara Duterte matapos ang kanyang naging pahayag sa isang pagtitipon sa Sarangani, Davao Occidental.
Habang tinatalakay ang kasalukuyang sitwasyong pampulitika at ang mga hamong kinakaharap ng kanyang kampo, pabirong sinabi ni VP Sara:
âMasamang damo, matagal mam*tay⊠BBM.â
Agad itong sinalubong ng tawanan at palakpakan mula sa mga dumalo.
Lumabas ang pahayag sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ang naturang pahayag ay ibinahagi habang bumibisita sa mga komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol, kung saan pinangunahan niya ang pamamahagi ng tulong para sa mga residente.
ctto.
13 hours ago | [YT] | 1,408
View 260 replies
Aguilar TV
Kiko Pangilinan VS Robin Padilla Hustisya laban sa mga Kr!minal na mga Kabataan kanino kayo panig?
online survey
15 hours ago | [YT] | 959
View 99 replies
Aguilar TV
Sen. Alan Cayetano at Sen. Robin Padilla, magkasamang nagtungo sa Mindanao.
ctto.
18 hours ago | [YT] | 6,089
View 247 replies
Aguilar TV
Mas ligtas sa krimen ang mga buwaya kaysa mamamayang Pilipino.
âDe Leon
ctto.
20 hours ago | [YT] | 3,930
View 294 replies
Aguilar TV
MINIMUM AGE OF CRIMINAL LIABILITY NA 10 ANYOS, ISINUSULONG NI SEN. PADILLA
Nanawagan si Senador Robin Padilla na muling pag-usapan sa Senado ang panukalang ibaba sa 10 anyos ang minimum age of criminal liability sa bansa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Juvenile Justice and Welfare Act.
Lumutang muli ang usapin matapos ang naganap na pamamar!l sa isang paaralan sa Tacloban City nitong Lunes, June 22, na kinasangkutan ng mga menor de edad.
Dahil dito, iginiit ng senador na dapat ikonsidera ang pagdaraos ng isang special session upang matalakay agad ang panukala at iba pang hakbang na may kaugnayan sa pananagutan ng mga kabataan sa ilalim ng batas.
Ani Padilla, kung nakararanas na rin ang bansa ng mga insidenteng katulad ng school shootings na madalas iugnay sa ibang bansa, panahon na upang seryosohin at agarang pagtuunan ng pansin ang naturang usapin.
ctto.
1 day ago | [YT] | 7,475
View 473 replies
Aguilar TV
16 BOTO PA RIN ANG KAILANGAN? AZCUNA: LAHAT NG 24 SENADOR DAPAT ISAMA SA BILANGAN
Iginiit ni dating Supreme Court Associate Justice Adolfo Azcuna, isa sa mga framers ng 1987 Constitution, na mananatiling 16 boto ang kailangan upang mahatulan sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte hanggaât nananatiling miyembro ng Senado ang lahat ng 24 senador.
Sa isang social media post, ipinaliwanag ni Azcuna na ang probisyon ng Konstitusyon ay malinaw na nagsasabing kinakailangan ang boto ng dalawang-katlo (2/3) ng lahat ng miyembro ng Senado upang mahatulan ang isang opisyal sa impeachment proceedings.
âThe Constitution says no person shall be convicted without the vote of two-thirds of all the Members of the Senate. In computing this 2/3, do we include all 24 Senators, thereby requiring 16 affirmative votes to convict? I believe so.â
Ayon kay Azcuna, dapat pa ring maisama sa bilang ang isang senador kahit siya ay nasa ibang bansa, may sakit, nakakulong, o hindi makadalo sa paglilitis, hanggaât hindi nawawala ang kanyang pagiging miyembro ng Senado.
âAs long as they remain Members of the Senate, even if abroad, sick or detained, they are included in computing 2/3.â
Ipinaliwanag din ng dating mahistrado na hindi maaaring basta ibawas sa bilang ang mga senador na hindi nakadalo dahil ang bawat isa sa kanila ay kumakatawan sa bahagi ng sambayanang Pilipino.
Aniya, ang pagtatakda ng nakapirming supermajority vote ay nagsisilbing proteksyon laban sa anumang pagtatangkang manipulahin ang impeachment process.
âThe Constitution provides for a fixed supermajority to ensure that removals of the highest officials are backed by a broad mandate.â
Dagdag pa niya, ang paggamit ng pabagu-bagong voting threshold ay maaaring magbukas ng pagkakataon para manipulahin ang proseso sa pamamagitan ng pagpigil sa ilang senador na makalahok sa mga pagdinig.
Ang pahayag ni Azcuna ay lumabas habang nagpapatuloy ang mga diskusyon kaugnay ng impeachment trial ni VP Sara Duterte, kabilang ang usapin kung paano dapat kwentahin ang kinakailangang bilang ng boto para sa posibleng conviction o acquittal. Sa kanyang pananaw, hanggaât 24 ang opisyal na miyembro ng Senado, 16 na boto ang kinakailangan para sa conviction, anuman ang bilang ng mga senador na aktuwal na makadalo sa paglilitis.
ctto.
1 day ago | [YT] | 3,546
View 130 replies
Aguilar TV
Dahil sa pagsanib sa kanila, nawala na po siguro ['yung mga kaso nila]. Baka sila po ay hindi aasuntohin, mauuna pa akong aarestuhin.
âSen. Marcoleta
ctto.
1 day ago | [YT] | 4,461
View 489 replies
Aguilar TV
âNAPANSIN NA NINYO KUNG SINO PO âYUNG NAGHUDASâ
Nagbitiw ng matinding pahayag si Sen. Rodante Marcoleta matapos igiit na may mga dating kaalyado umano silang nangakong mananatiling magkakampi ngunit kalaunan ay lumipat sa bagong majority bloc sa Senado.
Sa isang panayam, sinabi ni Marcoleta na handa siyang harapin ang anumang kaso at maging ang posibilidad ng pag-aresto sa kanya, ngunit hindi niya itinago ang kanyang pagkadismaya sa mga dating kasamahan na umanoây tumalikod sa kanilang grupo.
âDoon sa mga kasama namin dati nangako na magiging intact kami, walang hiwalayan, walang maghu-hudas. Pero napansin na ninyo kung sino po âyung naghudas.â
Hindi man niya pinangalanan kung sino ang tinutukoy, lumabas ang pahayag sa gitna ng malaking pagbabago sa Senado matapos umanib sina Sen. Chiz Escudero at Sen. Joel Villanueva sa kampo na sumuporta kay Sen. Sherwin Gatchalian bilang bagong Senate President.
Ayon kay Marcoleta, may mga dati rin umanong kasamahan na nahaharap sa mga alegasyon ngunit tila hindi na inuusig matapos mapabilang sa bagong mayorya.
âPero dahil sa pagsanib sa kanila, nawala na po siguro. Baka sila po ay hindi na aasuntuhin, mauuna pa po akong aarestuhin.â
Ang pahayag ay bahagi ng lumalalim na bangayan kasunod ng reorganisasyon sa Senado. Sa mga nagdaang araw, ilang senador mula sa dating alyansa ni Sen. Alan Peter Cayetano ang lumipat ng panig, na nagbigay-daan sa pagkakaluklok ni Gatchalian sa pinakamataas na posisyon sa kapulungan.
ctto.
2 days ago | [YT] | 6,594
View 499 replies
Aguilar TV
TOPACIO, NAGBIRONG TUMUGON SA PAGTAWAG NA âASOâ KAY LACSON NI CAYETANO
Nagbigay ng tila mapanuyang reaksyon si Atty. Ferdie Topacio sa naging pahayag ni Sen. Alan Peter Cayetano laban kay Sen. Panfilo âPingâ Lacson.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Topacio ang isang AI-generated image kung saan makikitang hawak niya ang isang aso na may mukha ni Lacson. Kalakip nito ang mensahe:
âDear Sen. Alan Peter Cayetano: Is this what you mean? đ€â
Sinundan niya ito ng pabirong pagpapakilala sa naturang alagang aso.
âEveryone, say hello to my new petâPinky! đ¶â
Ang post ni Topacio ay lumabas matapos tawagin ni Cayetano si Lacson na âasoâ sa isang Facebook Live noong Hunyo 19 habang tinatalakay ang umiinit na hidwaan sa Senado.
âHindi na po tuta si Senator Lacson. Aso na po siya. Matagal na po eh.â
Ipinaliwanag pa ni Cayetano na ang kanyang paggamit ng salitang âasoâ ay may kaugnayan umano sa pagiging masunurin sa utos.
âPagka may utos sa inyo, kayo ay nag-aasikaso. Meaning, you take care of it.â
Nauna nang tumugon si Lacson sa mga naging pahayag ni Cayetano at sinabing hindi na dapat seryosohin ang mga online âoutburstsâ ng dating Senate President.
âKawawa naman. Kung anu-ano na sinasabi. Parang malapit nang bumigay.â
Ang social media post ni Topacio ay pinakahuling reaksiyon sa lumalawak na word war sa pagitan ng ilang personalidad sa nagpapatuloy na sigalot sa Senado.
ctto.
2 days ago | [YT] | 2,609
View 242 replies
Aguilar TV
Katoliko man ako at kayo, Kaisa tayo ng INC
3 days ago | [YT] | 9,772
View 725 replies
Load more