Welcome to my channel! If you are a new subscriber, this channel is dedicated for the discussion of different security lectures and security related issues. Everyone is free to comment on each videos and suggest any topics to be discussed.
Isang taong puno ng HAMON sa ating pagkatao, pamilya, at lipunan; Isang taong binalot ng ilang mga KABIGUAN at PAGPUPUNYAGI; Isang taong lilipas na hitik sa KARANASAN at ARAL ng BUHAY!
PAALAM 2025! Maraming salamat sa anumang naidulot mo na maaari naming paghugutan ng panibagong KARUNUNGAN sa pagharap sa hamon ng MUNDO!
MALUGOD at TAOS-PUSO naming tinatanggap ang taong 2026 na puno ng PAG-ASA at PAGSISIKAP na MAPAGTAGUMPAYAN ang anumang UNOS na darating sa aming BUHAY, PAGKATAO, PAMILYA at LIPUNAN!
Hangad po natin ang KALIGTASAN at KAPANATAGAN ng LAHAT, at ang KALINAWAN ng ISIP at KALOOBAN ng mga NAMUMUNO sa ating BAYAN at sa buong MUNDO, tungo sa isang MATAAS na ANTAS ng pandaigdigang KAPAYAPAAN at PAG-UNLAD!
Para po sa lahat ng tumatangkilik sa ating channel, paki-abangan po ang ating pagtalakay sa ilang mga mahahalagang probisyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11917 o Private Security Services Industry Act.
Lacdan MD
Isang taong puno ng HAMON sa ating pagkatao, pamilya, at lipunan;
Isang taong binalot ng ilang mga KABIGUAN at PAGPUPUNYAGI;
Isang taong lilipas na hitik sa KARANASAN at ARAL ng BUHAY!
PAALAM 2025!
Maraming salamat sa anumang naidulot mo na maaari naming paghugutan ng panibagong KARUNUNGAN sa pagharap sa hamon ng MUNDO!
MALUGOD at TAOS-PUSO naming tinatanggap ang taong 2026 na puno ng PAG-ASA at PAGSISIKAP na MAPAGTAGUMPAYAN ang anumang UNOS na darating sa aming BUHAY, PAGKATAO, PAMILYA at LIPUNAN!
Hangad po natin ang KALIGTASAN at KAPANATAGAN ng LAHAT, at ang KALINAWAN ng ISIP at KALOOBAN ng mga NAMUMUNO sa ating BAYAN at sa buong MUNDO, tungo sa isang MATAAS na ANTAS ng pandaigdigang KAPAYAPAAN at PAG-UNLAD!
MANIGONG BAGONG TAON PO SA ATING LAHAT!!!
Stay Safe!🙏❤️
#highlightseveryone #highlight #follower
6 months ago (edited) | [YT] | 3
View 4 replies
Lacdan MD
Isang taong sumubok sa ating katatagan at malikhaing pagpapasya; humubog upang harapin ang mga unos sa ating buhay, pamilya, trabaho at lipunan.
Maraming salamat 2024!
Atin na pong harapin ang taong 2025 na puno ng pag-asa at pagpupunyagi!
Manigong Bagong Taon Po Sa Ating Lahat!❤️🩹
Stay Safe!🙏
1 year ago | [YT] | 11
View 6 replies
Lacdan MD
Nawa'y ang katiwasayan ng pag-iisip, kapanatagan ng kalooban, kasaganaan, pagpapala, at higit sa lahat Pag-ibig ay matamo po nating lahat!❤️
Maligayang Pasko po!❤️🩹 Stay safe!🙏
1 year ago | [YT] | 9
View 4 replies
Lacdan MD
PANAGHOY NG SEKYU
Saan ma'ng gusali ay naroon sila,
Sa paaralan man at pook pasyalan,
Sa pamilihan at mga pagawaan,
Sila'y nakamasid at nangagbabantay.
Sa paliparan at maging sa daungan,
Kahit sa simbaha't bakanteng lote man,
Sentrong kalakalan, kalye at tawiran,
Sa 'ting komunidad at kahit saan man.
Sila'y bantay-tanod kung ating turingan
Tampulan ng sumbong at ng katanungan
Mga bagay-bagay sa nasasakupan
Sila ang lapitan at matatantuan.
Kadalasa'y tampok sa mga sisihan
Nitong mga amo't maging kawani man.
Palibhasa'y bantay sa gabi at araw
Walang mabuntunan, kaya sila na lang.
Itong mga mali, sila daw may gawa,
Kahit iba nama'y di sila'ng may sala.
Paminsan-minsan ma'y paratang ay tama,
Subalit di lahat ng pagkakasala.
Panaghoy ng sekyu! Ay nais ilabas!
Sa mga katotong puro lang bulalas.
Kami'y h'wag sisihin, kayo'y mapangahas!
Buksan ang isipan at ng matalastas.
Sana'y unawain ang aming tungkulin
Kami'y walang nais, alituntuni'y sundin,
Kaya't h'wag magalit, kami'y h'wag sisihin!
Kung pagkakamali'y maiulat namin.
Kadalasan kami'y laging hinahamak
Nitong mga among kapos sa hinagap,
Ng mga kawaning may itim na balak,
At ng mga taong mag isip ay huwad.
Kami daw ay dagdag gastos sa kumpanya,
Kami'y walang silbi dapat daw mawala,
Ano kayang nais? Ba't hindi magsawa?
Sa pagtutuligsa, sila'y walang awa!
Ano'ng mangyayari kung kami'y mawala
Sa kliyente naming ipinagpapala?
Sino'ng magbabantay? Sino'ng aalaga?
Sana naman ay h'wag magkasala-sala.
Paano na kaya ang mga kawaning
May masamang nais kung kami'y may piring?
At ang mga taong may balak na itim,
Ito'y dapat lamang na alalahanin.
Wala naman sa 'min kung kami'y tabasin,
Ito ay malugod naming tatanggapin.
Sino nga ba kami sa inyong paningin?
Hamak na alipin nitong mga bilin.
Subalit kami din ay may karapatan
Sa ngalan ng batas ay dapat ingatan
Hindi basta-basta kami ay lagutan
Ng ikabubuhay dito sa 'ting bayan.
Kami'y mahalagang sektor ng lipunan
Na dapat lingunin at bigyan ng dangal.
Dapat di'ng pakinggan aming inuusal,
Bahagi din kami ng yaman ng bayan!
Hanggang dito kami, O aming katoto!
Sana'y maiangat ang aming estado,
Nawa'y bigyang pansin ng ating gobyerno
Ito'ng seguridad sa 'ming benepisyo.
2 years ago | [YT] | 13
View 9 replies
Lacdan MD
KALAYAAN?
Maraming taon na ang nakalilipas,
Matapos banghayin ni Rizal ang batas,
Ng kasaysayan nitong Pilipinas,
Ang bayang lugami ano ang boladas?
Matapos ang taon ng kanyang pagpanaw,
Ito'ng rebolusyo'y nag-alab ng tunay.
Ang nasyonalismo ay ang tanging gabay,
Ng mga soldadong lipos na at uhaw!
Ito'y sinimulan nitong Katipunan,
Tanggulang samahan nitong Inang Bayan.
Ang tanging sandata, ay ang katapangan!
Payak na layunin, lumaya ang bayan!
Nung 1896 tayo nga'y lumaya
Sa kamay ng bwitre't dimuhong Kastila.
Na s'yang umalipin sa lahing dakila,
Yumurak sa dangal at tayo'y dinusta!
Subalit ano 'tong unos sa 'ting bayan?
Ay katatapos lang nitong Himagsikan,
May gustong bumawi tinamong tagumpay!
Mga Amer'kanong sa dorado'y uhaw!
At nangagtagumpay silang mga puti,
Natanto ni Rizal ang kanilang mithi,
Sila'y bagong diyos nitong ating lahi
Napuno ng dusa ang bayang pighati!
Alalaong baga'y itong ating bayan,
Kabuntot na sigwa ang kinasapitan,
Hinahanda pa lang landas-kalayaan,
Ay heto na naman 'mperyalistang sakang!
At kinolonya nga itong Bayang Mahal!
Nitong mga Hapong sa langit ay uhaw!
Di na nakuntento sa yaman ng bayan,
Birhen nitong lahi ay nilapastangan!
Sa wakas natamo itong soberanya,
Nung 1946 ay nailathala.
Ay ang tanong ngayo'y tunay ba'ng malaya?
Ang pag-iisip ba'y walang tanikala?
Ang hamon ko ngayon mga kababayan,
Sariwain nawa ang aral ng bayan.
Bayani ng lahi ay hindi nagkulang,
Gawi't karanasan ay ating tularan.
Ating isabuhay ang kanilang aral,
Ang kadakilaan at ang katapangan.
Wag din kalimutan ang wika na yaman,
Na s'yang buklod at kaluluwa ng bayan!
3 years ago | [YT] | 11
View 1 reply
Lacdan MD
To all Mothers around the world:
HAPPY MOTHER'S DAY!❤️
3 years ago | [YT] | 11
View 1 reply
Lacdan MD
Para po sa lahat ng tumatangkilik sa ating channel, paki-abangan po ang ating pagtalakay sa ilang mga mahahalagang probisyon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11917 o Private Security Services Industry Act.
Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik!
Stay safe. Be alert & Be aware!🙏❤️
3 years ago (edited) | [YT] | 25
View 4 replies