Opisyal na pahayag ng tanggapan ni Sen. Robin Padilla na kumukondena sa inilabas na "racist" AI video ng China Daily: "Ang kalayaan sa pagpapahayag at pampulitikang diskurso ay hindi kailanman maaaring maging dahilan upang yurakan ang dignidad ng isang lahi o bansa. Ang paglalarawan sa mga Pilipino sa isang mapanlait at nakabababang paraan ay hindi katanggap-tanggap at nararapat lamang na kondenahin."
Tumaas ng 2 puntos ang net satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte, mula +29 noong Marso 2026 patungong +31 noong Hunyo 2026, ayon sa National Social Weather Survey na isinagawa noong Hunyo 20–29, 2026.
Umabot naman sa 58% ang mga nagsabing nasiyahan sila sa performance ng Bise Presidente, habang nanatiling pinakamataas ang kanyang rating sa Mindanao na may excellent +84 net satisfaction.
Nagsumite ng kontra-salaysay si Sen. Alan Peter Cayetano sa Office of the Ombudsman kaugnay ng reklamong obstruction of justice na inihain ng mga miyembro ng civil society.
Ayon sa Ombudsman, inihain ng abogado ni Cayetano ang kanyang counter-affidavit kahapon, Miyerkules, Hulyo 15, 2026.
Wala pa namang inihahaing depensa ang mga kapwa respondent nito na sina Sen. Robin Padilla at dismissed Acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
Inihayag ni PCO Usec. Claire Castro na inaasahan ng Palasyo ang isang diretsahang pagdinig na walang pagtatago ng katotohanan sa susunod na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa confidential funds.
Ginawa ni Castro ang pahayag matapos sabihin ng prosekusyon na sapat na ang kanilang naiprisintang ebidensya at testigo para sa Article 4 ng impeachment. Nakatakdang humarap si NBI Director Melvin Matibag sa pagliitis bilang huling testigo ng prosekusyon para sa Article 4, sa darating na Martes, Hulyo 21.
Pabirong sinabi ni Atty. Lorna Kapunan ng prosecution panel, na hindi na kailangang mag-aksaya ng panahon ang mga troll sa pag-atake sa kanya dahil handa naman niyang aminin ang lahat ng kanyang mga pagkukulang.
Ito ang ipinunto ni Kapunan sa gitna ng umano'y personal na mga pag-atake ng mga troll sa mga miyembro ng prosekusyon.
"So tinitira na kami na mga prosecutors. Mayroong rapist, mayroong komunist. Huwag na nila akong tirahin kasi magco-confess na ako. Marami talaga akong kasalanan. You don't need to make tira me, I will admit to all my failures," dagdag pa ng abogado.
Tila muling nagparinig si Prosecution Counsel Atty. Lorna Kapunan sa pagbanggit ng pangalang, "Mary Grace Piatos," na naging kontrobersyal matapos kuwestiyunin ng mga mambabatas kung totoong tao ba ito o isa lamang kathang-isip na pagkakakilanlan.
Biro ni Kapunan, "Sa dami ng kinain kong ensaymada at cheese rolls sa lahat ng Mary Grace outlets na 'yan, eh wala daw silang kilalang Mary Grace Piatos. So, tingnan natin, baka biglang lumabas. Pero tama na 'yung ensaymada at cheese rolls. Tumataba na kami dito sa prosecution, but wala talaga siya sa mga restaurant na 'yan."
Matatandaang isa ang "Mary Grace Piatos" sa mga pangalang lumitaw sa mga acknowledgment receipt na ginamit sa liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Nakatakdang iharap ng prosekusyon ang una nitong testigo para sa usapin ng confidential funds, na nakapaloob sa Article 1 ng reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, sa darating na Hulyo 22.
Hiniling ng prosekusyon ang pagpapa-subpoena kina Marivic Pareja ng Legislative Archives, Museum Management Service ng Kamara, at dalawang empleyado ng Landbank na sina Violeta Constantino at Nenita Camposano.
Ang paghahain ng nasabing mga subpoena ay layong tiyakin ang pagdalo ng mga saksi at ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa pagdinig.
Pabirong sinita ni Presiding Officer Chiz Escudero si House Lead Prosecutor Gerville Luistro matapos itong humirit na sumagot muli sa ginawang manifestation ng depensa kaugnay ng ginagawang pag-atras ng prosekusyon sa kanilang mga testigo.
Hiniling ni Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison sa Senate Impeachment Court na maging direkta at pormal na lamang ang pag-atras ng mga testigo ng prosekusyon para sa Article IV nang walang kasamang mahahabang diskurso o talumpati.
Binigyang-diin ni Sison na ang mga ganitong "manifestation" ay madalas na may kasamang mga advanced na konklusyon sa batas at katotohanan na tanging ang impeachment court lamang ang may kapangyarihang magpasya.
"This affects the fairness and balance of this impeachment court and the way it would perceive whatever manifestations, or expressions of sentiments, or discourses that counsel for both parties will deliver before this court and before the public," dagdag pa ni Sison.
Kinumpirma ni House Lead Prosecutor Gerville Luistro na si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na lamang ang huling tatayong testigo ng prosekusyon para sa article 4 ng reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos pormal na bawiin ng prosekusyon ang lima sa kanilang mga nakalinyang testigo upang maiwasan ang pag-uulit o redundancy sa mga ebidensya.
Inaasahang haharap sa impeachment court si Matibag sa darating na Martes, Hulyo 21, upang magbigay ng kanyang testimonya.
SMNI Digital
'MAPANLAIT, MAPANGHAMAK'

4 days ago | [YT] | 83
View 59 replies
SMNI Digital
'SATISFIED WITH VP SARA'
Tumaas ng 2 puntos ang net satisfaction rating ni Vice President Sara Duterte, mula +29 noong Marso 2026 patungong +31 noong Hunyo 2026, ayon sa National Social Weather Survey na isinagawa noong Hunyo 20–29, 2026.
Umabot naman sa 58% ang mga nagsabing nasiyahan sila sa performance ng Bise Presidente, habang nanatiling pinakamataas ang kanyang rating sa Mindanao na may excellent +84 net satisfaction.
4 days ago | [YT] | 7,968
View 378 replies
SMNI Digital
SAGOT NI CAYETANO
Nagsumite ng kontra-salaysay si Sen. Alan Peter Cayetano sa Office of the Ombudsman kaugnay ng reklamong obstruction of justice na inihain ng mga miyembro ng civil society.
Ayon sa Ombudsman, inihain ng abogado ni Cayetano ang kanyang counter-affidavit kahapon, Miyerkules, Hulyo 15, 2026.
Wala pa namang inihahaing depensa ang mga kapwa respondent nito na sina Sen. Robin Padilla at dismissed Acting Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca.
via Margot Gonzales
4 days ago | [YT] | 1,967
View 75 replies
SMNI Digital
PURO KATOTOHANAN, HINDI DRAMA
Inihayag ni PCO Usec. Claire Castro na inaasahan ng Palasyo ang isang diretsahang pagdinig na walang pagtatago ng katotohanan sa susunod na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa confidential funds.
Ginawa ni Castro ang pahayag matapos sabihin ng prosekusyon na sapat na ang kanilang naiprisintang ebidensya at testigo para sa Article 4 ng impeachment. Nakatakdang humarap si NBI Director Melvin Matibag sa pagliitis bilang huling testigo ng prosekusyon para sa Article 4, sa darating na Martes, Hulyo 21.
4 days ago | [YT] | 233
View 32 replies
SMNI Digital
'DON'T MAKE TIRA ME'
Pabirong sinabi ni Atty. Lorna Kapunan ng prosecution panel, na hindi na kailangang mag-aksaya ng panahon ang mga troll sa pag-atake sa kanya dahil handa naman niyang aminin ang lahat ng kanyang mga pagkukulang.
Ito ang ipinunto ni Kapunan sa gitna ng umano'y personal na mga pag-atake ng mga troll sa mga miyembro ng prosekusyon.
"So tinitira na kami na mga prosecutors. Mayroong rapist, mayroong komunist. Huwag na nila akong tirahin kasi magco-confess na ako. Marami talaga akong kasalanan. You don't need to make tira me, I will admit to all my failures," dagdag pa ng abogado.
4 days ago | [YT] | 145
View 165 replies
SMNI Digital
'BUSOG NA BUSOG'
Tila muling nagparinig si Prosecution Counsel Atty. Lorna Kapunan sa pagbanggit ng pangalang, "Mary Grace Piatos," na naging kontrobersyal matapos kuwestiyunin ng mga mambabatas kung totoong tao ba ito o isa lamang kathang-isip na pagkakakilanlan.
Biro ni Kapunan, "Sa dami ng kinain kong ensaymada at cheese rolls sa lahat ng Mary Grace outlets na 'yan, eh wala daw silang kilalang Mary Grace Piatos. So, tingnan natin, baka biglang lumabas. Pero tama na 'yung ensaymada at cheese rolls. Tumataba na kami dito sa prosecution, but wala talaga siya sa mga restaurant na 'yan."
Matatandaang isa ang "Mary Grace Piatos" sa mga pangalang lumitaw sa mga acknowledgment receipt na ginamit sa liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
4 days ago | [YT] | 64
View 200 replies
SMNI Digital
'MISUSE OF PUBLIC FUNDS'
Nakatakdang iharap ng prosekusyon ang una nitong testigo para sa usapin ng confidential funds, na nakapaloob sa Article 1 ng reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, sa darating na Hulyo 22.
Hiniling ng prosekusyon ang pagpapa-subpoena kina Marivic Pareja ng Legislative Archives, Museum Management Service ng Kamara, at dalawang empleyado ng Landbank na sina Violeta Constantino at Nenita Camposano.
Ang paghahain ng nasabing mga subpoena ay layong tiyakin ang pagdalo ng mga saksi at ang pagsusumite ng mga kinakailangang dokumento para sa pagdinig.
4 days ago | [YT] | 27
View 16 replies
SMNI Digital
'TAMA NA, GERVILLE'
Pabirong sinita ni Presiding Officer Chiz Escudero si House Lead Prosecutor Gerville Luistro matapos itong humirit na sumagot muli sa ginawang manifestation ng depensa kaugnay ng ginagawang pag-atras ng prosekusyon sa kanilang mga testigo.
5 days ago | [YT] | 69
View 18 replies
SMNI Digital
DAPAT DIRECT TO THE POINT
Hiniling ni Defense Lead Counsel Atty. Sheila Sison sa Senate Impeachment Court na maging direkta at pormal na lamang ang pag-atras ng mga testigo ng prosekusyon para sa Article IV nang walang kasamang mahahabang diskurso o talumpati.
Binigyang-diin ni Sison na ang mga ganitong "manifestation" ay madalas na may kasamang mga advanced na konklusyon sa batas at katotohanan na tanging ang impeachment court lamang ang may kapangyarihang magpasya.
"This affects the fairness and balance of this impeachment court and the way it would perceive whatever manifestations, or expressions of sentiments, or discourses that counsel for both parties will deliver before this court and before the public," dagdag pa ni Sison.
5 days ago | [YT] | 1,748
View 80 replies
SMNI Digital
'SI MATIBAG NA ANG HULI'
Kinumpirma ni House Lead Prosecutor Gerville Luistro na si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na lamang ang huling tatayong testigo ng prosekusyon para sa article 4 ng reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos pormal na bawiin ng prosekusyon ang lima sa kanilang mga nakalinyang testigo upang maiwasan ang pag-uulit o redundancy sa mga ebidensya.
Inaasahang haharap sa impeachment court si Matibag sa darating na Martes, Hulyo 21, upang magbigay ng kanyang testimonya.
5 days ago | [YT] | 55
View 60 replies
Load more