The DUTERTES

GIBO TEODORO AT PAMILYA, BAWAL NA SA CHINA, HONG KONG AT MACAU
Inanunsyo ng Foreign Ministry ng China na pinagbabawalan nang makapasok sa mainland China, Hong Kong, at Macau si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr., kasama ang kanyang mga kaanak. Ipinagbawal din umano sa mga organisasyon at indibidwal sa China ang pakikipagtransaksyon at iba pang ugnayan sa kanya.

11 hours ago | [YT] | 640

The DUTERTES

CHAVIT SINGSON, INARESTO SA CYBERLIBEL CASE
Inaresto nitong Huwebes si dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson kaugnay ng isang kasong cyberlibel. Ipinaabot ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa dating gobernador na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa umano’y paglabag sa Cybercrime Prevention Act kaugnay ng libel.

15 hours ago | [YT] | 10

The DUTERTES

UNANG BATCH NG PRIVATE PROSECUTORS SA VP SARA IMPEACHMENT, IPINAKILALA
Ipinakilala na ngayong Huwebes, June 11, ang unang batch ng mga private prosecutors na tutulong sa House prosecution panel sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Kabilang sa mga ito ang mga abogado mula sa PECABAR LAW, Kapunan and Castillo Law, at SALiGAL Law.

16 hours ago | [YT] | 16

The DUTERTES

UNANG BATCH NG PRIVATE PROSECUTORS SA VP SARA IMPEACHMENT, IPINAKILALA
Ipinakilala na ngayong Huwebes, June 11, ang unang batch ng mga private prosecutors na tutulong sa House prosecution panel sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte. Kabilang sa mga ito ang mga abogado mula sa PECABAR LAW, Kapunan and Castillo Law, at SALiGAL Law.

16 hours ago | [YT] | 11

The DUTERTES

ZIA ADIONG, NAGSAMPA NG CYBERLIBEL CASE VS BALIGOD, 18 IBA PA
Naghain si Lanao del Sur 1st District Rep. at House Impeachment Trial Spokesperson Zia Alonto Adiong ng cyberlibel complaint laban kay Atty. Levi Baligod at 18 iba pa matapos siyang maiugnay sa alegasyong tumanggap umano ng mga maletang may lamang pera mula sa sinasabing flood-control kickbacks. Mariin niyang itinanggi ang mga paratang.

16 hours ago | [YT] | 10

The DUTERTES

SENATE WEBSITE, NA-DEFACE NG HACKER GROUP
Na-deface ang opisyal na website ng Senado ng isang grupong nagpakilalang "Nullsec Philippines." Kasabay nito, naglabas ang grupo ng mensaheng nananawagan sa mga opisyal ng pamahalaan na unahin ang paglilingkod sa bayan kaysa sa pansariling interes. Sa kasalukuyan, nananatiling under maintenance ang website.

17 hours ago | [YT] | 13

The DUTERTES

MGA SENADOR, NAGPULONG SA MGA OPISYAL NG SARANGANI AT MALAPATAN
Nagpulong ang mga opisyal ng Sarangani at Malapatan kasama sina Sen. Erwin Tulfo, Sen. Migz Zubiri, Acting Senate President Win Gatchalian, at Sen. JV Ejercito upang talakayin ang lawak ng pinsala sa imprastraktura, ang kalagayan ng mga apektadong pamilya, at ang mga tulong na ipagkakaloob sa mga nasalanta.

18 hours ago | [YT] | 3

The DUTERTES

GARIN ITINANGGI ANG ALLEGED CASH MALETAS
Mariing itinanggi ni Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang mga alegasyong tumanggap siya ng mga maletang naglalaman umano ng pera. Aniya, ang mga paratang ay layuning sirain ang kanyang pangalan at hadlangan ang kanyang pagtupad sa tungkulin bilang miyembro ng 20th Congress.

1 day ago | [YT] | 67

The DUTERTES

JANETTE GARIN, NAGSAMPA NG CYBERLIBEL AT PERJURY CASES
Naghain si Deputy Speaker at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ng mga reklamong cyberlibel at perjury sa Department of Justice laban kay Atty. Levi Baligod at sa 18 umano’y dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co. Kaugnay ito ng mga alegasyong tumanggap siya ng pera mula kay Co at sa kanyang mga dating empleyado, na mariin niyang itinanggi.

1 day ago | [YT] | 6

The DUTERTES

SUPREME COURT IBINASURA ANG PETISYON SA SENATE QUORUM
Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong humihiling na ideklarang balido ang presensya ng 12 senador bilang quorum sa sesyon ng Senado noong Hunyo 3. Ayon sa SC, nabigo ang petitioner na patunayang mayroon siyang legal standing o direktang pinsalang dulot ng isyung kanyang kinukuwestiyon.

1 day ago | [YT] | 232