Tagalog Documentary

Mga Kwento ng Kasaysayan na Humubog sa Mundo


Tagalog Documentary

Sobrang napapagod ako gumawa ng videos, sa totoo lang. Lalo na ngayong nagset na ako ng regular schedule. Tapos, minsan, kapag hindi kumita ang video, sobrang nakaka-down na nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko. Pero, minsan, may mga bagay na maliliit, gaya ng isang magandang comment ng viewer, pero para sakin talagang napakalaki ng impact at nabubuhayan ulit ako. Maraming salamat po sa suporta ninyong lahat.

11 hours ago | [YT] | 9

Tagalog Documentary

Maganda ang suggestion dito ni commenter. Pero gaya ng sabi ko sa reply, iniiwasan ko ma-copyright at ma-terminate ng youtube. Parang nasa 12 million na channels na ang na-terminate ng youtube. Di naman lahat dahil AI or faceless, yung iba talagang napagkamalan lang. Ayoko magising isang araw na wala na pala akong channel or di na ako pwede kumita sa mga videos na pinaghirapan ko gawin. Makikita niyo, kokonti ng kokonti ang mga faceless channel sa youtube.

Sarap sana ng faceless sa totoo lang. At least wala yung risk na makasalubong ako ng mga basher sa daan at pagtripan. Pero yun nga, mas mahirap mawalan ng channel.

Bawi nalang ako sa information. Dun, hindi kayo lugi.

2 weeks ago (edited) | [YT] | 7

Tagalog Documentary

Iwan ko lang po ito dito. Ito na sagot ko sa lahat ng mga mang-aakusa sakin na sinungaling ako.

3 weeks ago | [YT] | 8

Tagalog Documentary

Minsan may mga basher na nakakataba ng puso. Yung siguro tinatry nila na punahin ka or insultohin ka pero ang nangyayari natutuwa ka kasi parang pinuri ka.

Hindi po talaga ako AI hahahahaha. Nagla-live po ako regularly sa fb group ng Tagalog Documentary(ang link po ay nasa tabi ng logo) at alam ng mga kasali dun na talagang pinaghihirapan ko mga videos ko.

Natutuwa ako kasi inakusahan ako na AI voice. Para sakin ang dating eh ibig sabihin maganda ang boses ko at perfect ang dikta ko sa mga salita. Hahahahahaha!

Until 3 videos ago, nag-aadjust po ako ng boses ko sa editing. Konting equalizer adjustments, limiter, normalization, noise removal/voice isolation.

Since nung nagpalit ako ng software na ginagamit sa editing, voice isolation nalang ginagawa ko para matanggal yung ingay ng aircon, di ko kasi gamay ang equalizer nitong Lumafusion.

Dati po kasi Filmora gamit ko and siguro napansin niyo noon mas may mga effects akong ginagamit din. Ngayon mas simple na kasi di ko pa gamay ang Lumafusion. Siguro mga 3-6 months pa ulit bago kayo makakita ng effects hahahaha. I try naman to improve a little each day.

Anyways salamat po sa di sinasadyang compliment. Sisikapin ko pa po lalo na magmukhang AI, meaning perfect ang recording at editing.

God bless po!

4 weeks ago | [YT] | 5

Tagalog Documentary

Linawin ko lang po hah, hindi po ito opinion channel at hindi rin po news channel. Ginagamit ko lang po na background ang balita para mag-explain ng mga geopolitical concepts.

Kunyari, yung video tungkol kay Bato ay tungkol talaga sa Interpol. Hindi po ako DDS and iniiwasan ko na makisali sa local issues.

Yung sa Ukraine naman ay tungkol sa drone warfare na Ukraine ang nagpauso, kumbaga.

Based on experience lang kasi, mas madali makakuha ng views kung may sasabayan ako na balita. Pero kung titignan niyo ng mabuti kung tungkol saan ang videos ko, makikita niyo na may tinuturo talaga ako, or at least I try.

Ganun din naman sa thumbnail. Kailangan kasi talagang gumamit ng clickbait eh. Pero at least relevant pa naman sa topic yung linya sa thumbnail.

Ganun lang po kasi talaga ang labanan dito sa Youtube eh. Madalang mapansin yung hindi gumagamit ng thumbnail o mga trending issues kaya pagpasensyahan niyo nalang po sana at ibalato niyo nalang sakin yung part na yun.

Anyways, I do my best po na siguruhin na tama lahat ng impormasyon na ginagamit ko. Check niyo po sa description ng kada video, nilalagay ko dun yung mga sources ko. Alam ko na minsan mahirap maniwala, pero ayan, check niyo nalang sa sources ko para makita niyo kung saan ako nagbabase sa mga pinagsasabi ko. Pwede din kayo maghanap ng sarili niyong sources kung ayaw niyo parin maniwala. Lahat naman tayo may karapatan sa sarili nating opinion.

I do my best din po na gawing mas madaling maintindihan yung mga komplikadong mga issue ot bagay. Ang main intention ko po kasi is to educate kaya inisip ko, mas maganda siguro kung simplehan ko para mas madaling magets kesa kung magpapa-impress ako at mag-feeling matalino sa paggamit ng mga komplikadong salita at konsepto. Sorry po sa mga may alam na at feeling nila di ko naituturo ng maayos. I really try my best po.

Let's all just be decent people po. Hindi dahil nakatago tayo sa likod ng internet eh ibig sabihin may karapatan na tayong maging bastos at mangwalanghiya ng tao. Be respectful sa opinion ng iba kahit na hindi kayo agree. Lahat naman madadaan sa mabuting usapan.

Oo nga pala, clapback lang ako sa mga ginagamit ang salitang "kalbo" para yata subukang insultohin ako.

Salamat po ng marami. Binuksan niyo po mata ko. Hindi ko po nakita dati na mali pala ginagawa ko kada sabado na ginugupitan ko sarili ko. Hindi ko po naisip na ang pagtitipid ko sa pampagupit at shampoo ay nakakasama po pala. Pero...

Masarap maging kalbo. Buo pa halos hairline ko. Kalbo ako by choice. Pinili ko ito at kung pagbabasehan ko yung P50 na gupit kada isang linggo at yung shampoo na hindi ko kailangang gamitin, magiging kalbo ako hanggang mamatay ako or yumaman at sa wakas ma-afford ko na magpa-salon.

Nga pala mataba din ako, gusto niyo subukan ang baboy, elepante, hippopotamus, o kung ano pang hayop? Be my guest. Basta ako lalamon.

Proud to be matabang kalbo na nakakatipid sa gupit at shampoo para may panglamon. Proud din ako na kahit ganito lang ako, may natututo sa ginagawa ko. Okay na ako dun.

Anyways yun lang. God bless us all!

1 month ago (edited) | [YT] | 12

Tagalog Documentary

Hello po. Nag-decide na po ako na sa FB ipost ang mga updates at behind the scenes ko para din po sana may silbi yung fb group. Sali nalang po kayo dun kung okay lang po sa inyo. Ito po ang link:

youtube.com/@tagalogdocumentary

Kitakits po tayo dun!

3 months ago (edited) | [YT] | 8

Tagalog Documentary

Sa mga nagsasabing AI ako, I take it as a compliment. Ibig sabihin I'm doing a good job na mukhang hindi ako tao hahahaha!

But seriously, gumagamit ako ng chatgpt at iba pang tools para makuha kong yung best quality na kaya ko.

I guess magiging parang "behind the scenes" or "the tools of the trade" na itong post na ito. Magiging mahaba nanaman ito.

Ito po mga ginagamit at ginagawa ko para magmukhang AI.

ChatGPT:

1. Brainstorming ng ideas: Kung may idea ako ng topic at di ako sure sa anggulo, ayun, hingi ako tulong kay chatgpt para sa mga interesting na approach.

2. Grammar: aminin na natin, minsan mas madaling mag-English kesa mag-purong tagalog. Kunyari, mas familiar tayo sa mga salitang "teacher" o "twelve" kesa "guro" o "labindalawa." Ayan, si Chatgpt nagsasabi sakin nung tamang words para mas puro ang tagalog sa mga script ko.

3. Title, Description, Tags, at Thumbnail ideas: Ito heavy talaga na Chatgtpt ito, di ko ikakaila. Ang hirap kaya mag-isip ng title! Tapos tuyo na utak ko sa research, scripting, tapos editing pa, wala na akong panahon sa maliliit na tasks na yan.

Sa boses ko naman po, siyempre ginagamit ko yung pinakamalalim na kaya ko. Normally mas mataas boses ko, yung mga nakakausap ko daily ayan alam nila di ko natural speaking voice gamit ko sa videos ko.

Tapos credits sa mic. Rode Procaster gamit ko kaya malinaw ang boses. May nagtanong na friend ko na bakit parang ang tahimik daw dito. Yung mic yun. Kung afford ko lang sana ang Shure SM7B o kaya Rode na at least NTG4, yun gagamitin ko. Eventually kukuha ako, kaya manood kayo ang tell your friends para magkaroon ako ng pambili. Shure, Rode, bekenemen...

Sa Camera naman, Sony ZVE10, mark 1 lang dahil di ko kinaya ang Mark 2. Tapos kit lens lang na may NEEWER wide angle attachment ba tawag dun? Di ko din kasi afford yung magandang wide angle lens. Again, keep watching at tell your friends para maka-aafford ako ng magandang wide angle lens. Viltrox, Sigma, bekenemen.

Sa editing, Filmora tayo. Ito na ang nakagisnan ko eh. Nag-try ako gumamit noon ng Da Vinci Resolve, pero di kinaya ng computer ko kaya sumuko nalang ako at nag-stick sa Filmora. Kaya siguro never ko maaabot yung mga super ganda ng edits na video, yung ang daming effects na talagang ang hirap alisin ng mata sa screen. Pero eventually, kuha ako ng editor kapag afford ko na kaya keep watching ang tell your friends.

Sa scripting langya Google Docs lang tapos grammar check kay chatgpt. Kita niyo naman siguro sa haba ng mga post na gaya nito na nageenjoy ako magsulat ng mga mahahabang bagay.

Andito ka parin? Very good ka hah. Ito na yun. Salamat!

3 months ago | [YT] | 18

Tagalog Documentary

Kumusta po ang bagong style ng video? Gusto ko kasi taasan pa ang quality ng videos kaya nakinig ako sa mga suggestions. Salamat nga po pala sa mga nagbigay ng tips for improvement.

Let me know kung mas na-enjoy niyo itong bagong style hah para alam ko.

3 months ago | [YT] | 10

Tagalog Documentary

Okay, fine, ayaw niyo ng magalaw ang kamay. Next video sige, pipilitin ko i-minimize galaw ng kamay ko at ilalagay ko lang sa mesa, tignan ko kung ano magiging reaction niyo.

Alam niyo kung anong nakakatawa?

Noong una akong nag-youtube many, many years ago, ang feedback naman sakin kulang ako sa hand gestures hahahahaha. Pero sige, try ko lang baka mas trip niyo.

Makakatulong po talaga sa akin kung magko-comment kayo dito kung okay lang sa inyo o hindi yung mga hand gestures ko.

Salamat po!

3 months ago | [YT] | 5

Tagalog Documentary

Pinapanood pala ako ng mga workmates ko dito sa ospital. Nakakahiya hahahaha!

Shoutout po sa inyo ma'am Jen at ma'am Harlyne!

Salamat po sa panonood!

3 months ago | [YT] | 5